Oo. Aaminin ko na hindi ako magaling mag tagalog. Kaya ko ang "conversational" tagalog kung tawagin. Kaya ipagumanhin ang anumang "slangage" or maling pagbaybay ng tagalog sa "entring" ito. Ngayon ko pa lang tinry (tinry - exampol ng maling slangage na dapat ipagpaumanhin) mag blog ng purong tagalog lang. At hindi ko iyon pinagmamalaki.
Sorry naman sa mga hangong UP. Sapaw na sapaw na tagalog ko sa inyo. Nakakahiya.
Bah-rowk na kung Bah-rowk. Tanggap ko yun.
Aray.
Ngayon ko lang na-"realize" (Pahiram muna nito Colbie) na kahit halughugin ang sang-kabuuan ng aking mga blog, wala kayong makikita, ni katiting na tagalog. Hamakin nyo? Ngayon ko pa naiisipang itry yun?
"Ang di marunong mag mahal sa sariling wika..."
(blah...blah...blah...blah...blah...isda. Parang ganun na nga)
Hahaha. Wala lang. Naalala ko lang si Rizal. Kahit na tapos na ang BERTDEY nya...ay...Kaarawan pala. Sori. Peace tayo, Dok. Hindi ako filibustero (labo. Bakit may ganun?)
At kung merong mang hindi kayang gawin ang mga dayuhan bukod sa patumbahin si Pacquiao, ay ang mag kaintindihan sa gitna ng samut'saring mga "dialect". Ika nga nung komersyal na di ko na maalala pero sumikat dahil dito: "Walang ganyan sa istaytes". Walang wala. (Wala rin silang poster ni Bayani na kasing laki ng poste ng mga Flyover sa Cubao. Bayani is my Hero. lol)
Binibigyang hustisya ko lang ang pagkapilipino ko.
(Dapat bayaran ako ng WOW Philippines.)
Bakit ko naman naisip mag tagalog ngayon? At patungkol saan naman ang mga pinagsusulat ko? Mga palaisipan na tanong na kahit ako, di ko masagot. Pwedeng para maiba naman? Pwede. May karapatan ako doon. Karapatan. Yun nalang ang libre at hindi nagtataas ng presyo sa bansa natin. Hahaha.
Uy! May patutunguhan din pala tong blog! (Meron nga ba?) Haha. Sa totoo lang, talagang gusto ko lang subukan to. Keri naman pala kahit papaano. Wag niyo nalang ito pagtawanan. Sabi ko nga di ko pinagmamalaki na madalang akong mag tagalog.
(Yehes naman.)
Hey! I have to start somewhere don't I? 